Huwag Po Itay
Huwag Po Itay....
Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng
aking itay isang gabi. Hinding-hindi ko makakalimutan
ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon nguni't
maalinsangan ang simoy ng hangin. Ako ay nagsusuklay
sa aking silid, katatapos ko
pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon. Narinig
kong kumakatok si Itay sa aking pinto.
Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya na
kailangan daw naming mag-usap at huminging papasukin
siya. Binuksan ko ang pinto at siya'y kagyat na
pumasok sa aking silid.
Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian ang
pinto. Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay,
hinaplos-haplos niya ang aking buhok, ang aking mukha,
pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay,
sa aking mga pisngi,sa aking mga labi. Napasigaw ako.
"ITAY, huwag, huwag! Ako'y inyong anak! Utang na
loob, Itay!"
Nguni't parang walang narinig ang aking Itay.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko
na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita
ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang
kanyang ginagawa sa akin. Naririnig ko si Inay
sumisigaw habang binabayo ang pinto at nagpipilit na
ito'y buksan.
"Hayop ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo!
Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan". Subalit
wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan
ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag
at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang
gustong gawin ng aking Itay.
Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking
Itay. Iniharap niya ako sa salamin ay ganoon na lamang
ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita.
Magaling naman palang mag-make-up si Itay. Nang gabing
iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama. Bading pala
siya.
Labis akong nagalak sa galing at husay ng aking ama.
Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo
akong gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at pareho
kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na kami
ngayon at nabubuhay nang matiwasay.
Lovingly yours,
BADONG
napatawa mo ako ha!
Monday, April 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
own your risk
Most of the postings here are password protected. Unless otherwise specified the password should be: dudutworld
DuduTWorld does not take any responsibility with the information presented. Any information provided on this site is not guaranteed in any way. all information is provided for educational purposes only, use at your own risk. If you blow up your Home, Computer, Car, Mobile, Game Console or Anything else -- it's not my fault ;) use Good judgment and Play nice Thanks !!.
DuduTWorld does not take any responsibility with the information presented. Any information provided on this site is not guaranteed in any way. all information is provided for educational purposes only, use at your own risk. If you blow up your Home, Computer, Car, Mobile, Game Console or Anything else -- it's not my fault ;) use Good judgment and Play nice Thanks !!.
No comments:
Post a Comment